Mahigit 20 taon nang naglilingkod si Kuya Ronald Molmisa sa ministeryo. Una siyang dumalo ng Vacation Bible School noong siya ay anim na taong gulang. Dahil sa masaganang biyaya ng Diyos, consistent honor student siya mula Grade 1 hanggang high school. Nagtapos siya ng BA Public Administration at Master in International Studies (major in Political Science) sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman. Nagturo siya sa loob ng pitong taon sa tatlong nangungunang unibersidad sa bansa—blue, green at maroon—bago tuluyang ituon nang buo ang kanyang buhay sa ministeryo. Kasalukuyan siyang abala bilang Head Pastor ng Generation 3:16 Ministries, isang ministeryong nakatuon sa pag-abot sa kabataan at pamilyang Pinoy. Siya ang tagapagtaguyod ng Lovestruck Movement, isang samahan ng mga taong naniniwala sa dalawang simple subalit seryosong utos ng Panginoon: Love God, love people. Host at producer siya ng Lovestruck Radio na mapapakinggan sa Pinoy Connection, ang online radio ng Far East Broadcasting Company-Philippines. Maaari ninyo siyang i-email sa [email protected] at bisitahin ang official website ng kanyang ministeryo: www. lovestruckmovement.org.