Defying Gravity

Precious Pages Corporation
電子書
304
頁數
評分和評論未經驗證 瞭解詳情

關於這本電子書

“Ang dali mo namang sumuko. `Di ba, dapat ang pagmamahal ipinaglalaban? Ikaw, atras ka lang nang atras.”

 

 Batsoy ng Bayan award lang ang beauty contest na puwedeng mapanalunan ni Allie kung mag-aambisyon man siyang maging isang beauty titlist. Kaya malabong matupad ang matagal na niyang pangarap: ang maging mutya ng buhay ng kababata, ang nakakaduling sa kaguwapuhang si Luke Cordova. Iyon ay kahit pa dati ay pabiro silang ipinagkasundo ng mga ama nila na ipapakasal sa isa’t isa.

 Pero ayon sa daddy niya, uuwi sa Pilipinas si Luke at hindi raw tutol ang lalaki sa kasunduan? Joke ba iyon? Her dad said all she needed to do was to dazzle the guy and he would be hers.

 Dazzle daw o. Mas dazzling pa yata ang kalabaw kaysa sa kanya. Pero lahat naman daw ay nagagawan ng paraan kaya napadpad siya sa fitness center na pag-aari ng Zumba-instructor-cum health and fitness guru na si Inno.

 Muntik magsalawahan si Allie nang makita si Inno. Inukit sa bato ang peg nito kung katawan ang pag-uusapan. At may-hitsura din.

 Sa tulong at gabay ni Inno, nangatog ang mga taba ni Allie at nagsilayas ang sangkatutak na bilbil. Naging vava-voom siya. Ang kaso, may problema. Nahagip din ang puso niya, nanganib na mahulog sa kandungan ni Inno. May mga pagkakataon pa nga na pakiramdam niya, mutual ang feelings nila sa isa’t isa.

 Pero may natuklasan si Allie tungkol kay Inno, at sa nakasusulasok na paraan ay napatunayan niyang assuming at feelingera lang pala siya. Talo pa niya ang sinapok sa tindi ng sakit na nadama…

為這本電子書評分

請分享你的寶貴意見。

閱讀資訊

智能手機和平板電腦
請安裝 Android 版iPad/iPhone 版「Google Play 圖書」應用程式。這個應用程式會自動與你的帳戶保持同步,讓你隨時隨地上網或離線閱讀。
手提電腦和電腦
你可以使用電腦的網絡瀏覽器聆聽在 Google Play 上購買的有聲書。
電子書閱讀器及其他裝置
如要在 Kobo 等電子墨水裝置上閱覽書籍,你需要下載檔案並傳輸到你的裝置。請按照說明中心的詳細指示,將檔案傳輸到支援的電子書閱讀器。