Isang normal na araw lamang dapat iyon sa buhay ni Mico Sacdalan, isang principante ni Mr. Garcia sa Museo, ngunit nagbago ang lahat dahil sa pagtulong niya sa isang kaso. Dahil sa pagkakasangkot niya sa kaso na iyon, siya ay napagkamalan bilang isang kriminal. Siya na naghahanap ng kasagutan ay siyang napahamak. Sa kabila ng pagsubok na ito, kaylangan niyang sundan ang mga palatandaan na kaugnay sa kasong iyon upang mapigilan ang kagimbal-gimbal na plano ng mga totoong taong nasa likod ng krimen na iyon upang mailigtas niya ang Ciudad.